Wika... Ito ang nagpapakapit-bisig sa mga mamamayan sa isang bansa patungo sa kanilang minimithi. Sa pamamagitan ng wika, nakakamtan ng mga tao ang karunungan.Ito ang kanilang liwanag sa daan na kanilang tinatahak. Ang isang lahi ay may isang inang wika. Ito ang nagbubuklod-buklod sa mga tao upang itaguyod ang kanilang kasarinlan, tradisyon at kultura. Maiiwasan ang pagkakawatak-watak kung mayroon tayong pagkakahalintulad sa isa't isa sa pamamagitan ng isang pambansang wika.
Ang wika nating Pilipino ay sadyang napakahalaga sa atin hindi lamang para sa ating kalayaan kundi pati na rin sa pagkamit ng ating layunin bilang isang bayan. Ayon sa kasaysayan, ipinagtanggol ng ating mga bayani ang bayan kung saan ang sariling wika nila ang nagpa-alab ng kanilang makabayang damdamin.
Sa ating makabagong panahon na epekto ng Agham at Teknolohiya ay nagdudulot na rin sa paglitaw ng iba't ibang wika. Kailangan nating panatilihin ang pagkakaisa sa ngalan ng isang wika. Tayong mga Pinoy ay magtatagumpay kung tayo'y nagkakaisa na ginagabayan ng ating sariling wika.

No comments:
Post a Comment